mula sa Pambansang Museo |
Ang mga lugar na ito ay napakahalaga dahil dito naganap ang mga pangyayari sa buhay ng ating pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal kaya naman ako at kaming magkaklase ay nagkaroon ng isang lakbay aral para alamin ang mga lugar na ito na parte ng ating kasaysayan na kung saan mahalagang pangyayari sa kanyang buhay. Eto sa mga napuntahan namin unat hanggang huli
- Binondo, Manila
- Dating Kinatatayuan ng Unibersidad ng Santo Tomas
- Fort Santiago
- Dating Kinatatayuan ng Ateneo Municipal De Manila
- Cuartel de Espanya
- Pambansang Museo
- Luneta Park
- Paco Cementery
1.) Tahanan ni Higino Francisco sa Binondo
-Ang unang Pinutahan namin ay ang Binondo sapagkat isang jeep mula pasay patungong binondo sa lugar na iyon ay itinago ang bangkay ni Rizal mula sa Paco cemetery, una nalito kami kasi hindi namin alam kung saan mismo yung Kinatatayuan . Nung nagtanong tanong kami ito pala ay giniba na .. nakakalungkot isipin tanging ang poste (tingnan ang larawan) na lang ang naiwan.
-Ang unang Pinutahan namin ay ang Binondo sapagkat isang jeep mula pasay patungong binondo sa lugar na iyon ay itinago ang bangkay ni Rizal mula sa Paco cemetery, una nalito kami kasi hindi namin alam kung saan mismo yung Kinatatayuan . Nung nagtanong tanong kami ito pala ay giniba na .. nakakalungkot isipin tanging ang poste (tingnan ang larawan) na lang ang naiwan.
2.) Dating Kinatatayuan ng Unibersidad ng Santo Tomas
Dating Kinatatayuan ng Unibersidad ng Santo Tomas |
-Pagkatapos ng Binondo nagtungo kami sa dating kinatatayuan ng UST. Matatagpuan sa loob ng Intrauros dahil malapit lang ang binondo sa Intramuros kaming magkaklase ay naglakad patungo dito. Dito nag aral si Rizal ng medisina noong 1887. Magaganda rin ang mga marka niya ngunit hindi natapos ni Rizal ang pag aaral noong 1882.
3.) Fort Santiago
-Ang pangatlo naming napuntahan ay ang Fort Santiago dito nakulong ang pambansang bayani na si Jose Rizal bago siya barilin sa Bagumbayan (Luneta ngayon). Pagpasok pa lang ng Fort makikita na ang foosteps ni Jose Rizal patungo sa kanyang kulungan. Nakakamangha lang dahil napangalagaan ang lugar na ito dumaan na ang lahat lahat digmaan at iba. Kahit nasira itoy napaayos at patuloy pinapaaalala sa aming estudyante at mga dayuhan ang mga naganap noon sa loob ng Fort Santiago.
Pasukan ng Fort Santiago |
- mula sa Intramuros kami'y naglakad Papunta sa dating kinatatayuan ng Ateneo. Dito nag aral si Rizal noong 1872. Nakamit ni Rizal ang kanyang Batsilyer sa Artes dito noong 1877. Madali lang nito nakita sapagkat kami ay may sinusunod na mapa.
Dating Kinatatayuan ng Ateneo |
Bago kami Pumunta sa aming susunod na destinasyon nagpahinga muna kami saglit dahil sa init ng panahon at pagod haha :D
5.) Cuartel de Espanya
-Pagkatapos ng aming kunting pamamahinga kami Pumunta sa Cuartel de Espanya mahirap ang paghahanap namin dito kasi paikot ikot kami nun. Pero natagpuan na namin, kung saan dito nilitis si Rizal noong, Ika 26 na Disyembre taong 1896 ika walo ng umaga, isang patunay na kawalang katarungan ng mga espanyol.
6.) Pambansang Museo
- Pagkatapos sa Cuartel kami nagtungo sa Pambansang Museo na kung saan makikita ang mga imahe at eskultura na ginawa patungkol sa kanya. Pati na rin ang mga at imahe,esklutura na mismo si Rizal ang gumawa. Nakakatuwa isipin kasi napanatili itong maayos para makita sa susunod na henerasyon na hindi lang magaling si Rizal sa panulat. Matatagpuan ang patungkol kay Rizal sa Gallery V ng museo.
Portrait ni Rizal by: Felix Gonzalez 1962 |
6.) Luneta
-Mula museo nagtungo kami sa Luneta Park kung saan dito binaril si Rizal noong ika na 30 Disyembre 1896. Nakakamangha ang paggawang instraktura nito dahil ito ang sumisimbolo ng katapangan ni Rizal sa kamay ng Espanyol at nagbuwis ng buhay para sa bayan. Napakahalaga din ang lugar na ito dahil dito binitay ang tatlong pari at naging sentro ng turismo. Kinikilala ang bantayog ni Rizal sa ibat ibang bahagi ng Bansa.
Nakakalungkot isipin na sa Litrato na ito ay may simisira na gusali at nakakasira sa ating kasayasayan
Bantayog Ni Dr. Jose Rizal |
6.) Paco Cemetery
- Mula Luneta Nagtungo Kami sa Paco Cemetery kung saan dito ay nilibing si Rizal naging mahirap din ang Pagpunta namin bukod sa huli namin itong destinasyon yung pagod. Pero masaya naman. Sa Ngayon wala na ang Labi ni Rizal nailipat ito sa Luneta.
Orihinal na Puntod ni Rizal |
Aral at Karanasan sa aming Lakbay Aral
Marami akong nadagdagan ulit na kaalaman sa Lakbay aral na pahanggang ngayon taon ang lumipas ang kasaysayan natin ay hinding hindi mawawala, ang mga lugar na ay mahahalagang ebidensya na naganap sa mga panahon na wala pa tayo dito sa mundo. At kahit hindi ko man nakita ang mga pangyayari noon nakatatak na sa aking isip na malaki ang nai ambag ng ating mga Pambansang Bayani gaya ni Dr. Jose Rizal napa hanggang ngayon ang mga nobela niya ay nagagamit ng mga sumusunod na henerasyon. Ang aming Lakbay aral nakakapagod pero akoy lubos na nasiyahan at sa nagkakaisa Kaming mag ka klase na kami ay natapos ng ligtas sa aming paglalakbay.
“Habang iyang edukasyo’y nakaluklok sa dambana, kabataa’y yumayabong nang mabilis at sagana, kamalia’y sinusugpo sa tibay ng kanyang nasa, nararating pati langit ng magiting niyang diwa; sa siklab ng edukasyon kasamaa’y humihina,alam niyang paamuin iyang bansang walang awa, ang mabangis ay nagiging bayani ng kanyang lupa.
-- Dr. Jose Rizal